//
you're reading...
Uncategorized

HERO

July 7, 2012 alas tres ng madaling araw ng magising ako dahil sa ingay na nagmula sa may halos tapat ng bahay namin sa kalsada. May aksidente. Sa tunog ay isang sasakyan ang may nabangga. Nagising kaming lahat, mga kapit-bahay, pati mga aso, nagkahulan. At syempre dahil usyusero kami, bumangon at tiningnan namin kung ano yung naka-buwisit sa aming pagtulog. Hindi ko alam kung sino sa inay at tatay ko ang unang lumabas, basta narinig ko na lang na pinag-bibintangan na nila ang puti naming aso sa harap na may kinalaman sa naganap. Paglabas ko ay nakita ko nga na wala sa kanyang pagkakatali ang gagong aso naming si Aki. Always kasi nakakawala sa pagkakatali ang maharot na si Aki para mamaba. May chiks kasi siya sa may likod bahay. Kaya suspetsa ko si Aki ang nabangga ng sasakyan. Tumawid din ako ng kalsada gaya ng kapatid at ama ko. Nakita ko na maraming tao. Nang makita kong pabalik na sila ay bumalik na rin ako kaya hindi ko masyadong nagets ang pangyayari. Ibig sabihin hindi pa rin naman pala kataasan ang lebel ng pagiging usyusero ko. Hanggang sa mga oras na naglalakad ako pabalik ng bahay, hindi ko parin alam kung sino ang nabangga. Paglingon ko uli sa kalsada, nakita ko ang isang mabilis na kotse, harurot na, ala drag racing km/h ang speed. Tapos narining ko na sa mga ama ko, nabangga raw si Mang Tolits. Yun misimong kotse ang nakabangga. Atleast, dinala ng nakabangga si Mang Tolits sa ospital.

Wala pa rin si Aki, hindi mahanap. Walanjow naman, nakaligaw rin yung isa pa naming aso sa tagiliran ng bahay. Mas malaki, mas mahaba, mas  mataba at mas malikot kaysa kay Aki. Sa madaling sabi mas pang matindihan ang efort ngayon para mahuli ang pangalawang aso. Pero kahit maraming MAS ang asong iyon, mas madali naman siyang paki-usapan na, pls, halika na, magpatali ka na. Yun nga lang dahil mas malikot, hindi talaga madaling itali ang bagay na gumagalaw. Note with matching hugs and leaking of tounge pa. Pero successful naman, naitali rin ang asong si Hero. Ang totoo, hindi naman ata Hero ang dapat na pangalan ng asong iyon. Noong dinala kasi iyon sa amin ng boyfriend ng kapatid ko, hindi pa namin maisip ang pangalan na bagay sa kanya. Kaya naman naging hero ang pangalan ay dahil ang full name ng nakawalang babaerong aso ay Akihiro na nakuha namin sa pangalan ng nagwagi sa 1st Survivor Phils. Celebrity Edition. Ang inay ang nag-pangalan noon. Yun nga lang, dahil laging Aki lang ang tawag namin sa aso, nawala yung hiro. Kaya nang dumating ang isa pa naming doggy, Hero ( hiro ) na lang ang ibinigay na pangalan, para hindi naman sayang ang karugtong. Hindi pa nakikita si Aki hanggang sa bumalik kami sa pagtulog. Si Hero na lang ang tanging naiwang magbabantay sa labas. Tunay ngang hero ka, ang taga-tanggol namin sakaling may masasamang loob. Ang tunay na hero dapat, mabait, matino, matulungin at maunawain.
Speaking o hero, narito ang mga gustong maging hero of todays world. irst rom the list, sariling nating bansa, ang Pilipinas magpapautang ng 1billion sa IMF. Isang heroic act nga ba ito ng Pilipinas para sa mga maghihikahos na bansa sa Europa? Aba naman, eh maraming nag-react sa da moves na ito ng Pinas. Ang chabi, oras na ginawa iyon ng Pilipinas, Pilipinas din ang makikinabang. Ipaliwanag natin sa paraang, ang sakit ng kaling-kingan, sakit rin ng buong katawan, este ang sakit ng buong katawan ay sakit rin ng kaling-kingan ( ay alangan ). Hmm, heroic act ng Pinas, AYUN. 1point.
Galing nating sumuporta sa mga forenjers. Dapat magaling rin tayong sumuporta sa sariling atin. Pero bakit ng tingnan ko ang listahan ng mga showing sa sinehan sa isang jaryu noong july 1 hanggang july 8, nakita ko na halos Spiderman ang pinalalabas. Oops, hindi si Spiderman ang hero natin ngayon. Eh, sino? Ganito na lang, lets compare Spiderman and Boy Pick Up. Ano nga ba ang wala kay Boy Pick Up na meron si Spidy bukod sa sapot? Kung may Mary Jane siya, meron naman Neneng B. Kung tumatatak na hero outit, mahina pa ba ang swagger custome ni boy pick up? Maskara ni Spiderman, meron si Boy Pick Up na astig na astig na cap. Ang totoo, AMBOY gagambang iyon ang may wala na meron naman si Boy Pick Up. Hindi ano kundi sino. Eh, d, si Boy Back Up. Walang kahit na sinong partner si Spiderman na laging nasa tabi niya at tutulong sa kanya sa oras ng panganib. HIndi tulad ni Boy Back Up na kahit wazak ang pick up lines ni Boy Pick Up, nagagawa pa rin niyang mailigtas ang bida sa tiyak na kapahamakan. Bayani ka Boy Back Up! AYUN. 1 point kay Boy Back Up.
Kung maraming pinoy ang suportadong suportado ang mga forenjers, may mga pinoy namang to the highest level ang pagsuporta sa sariling atin. Gaya ng mga tao mula sa Department of Agriculture, DENR at UNESCO na gumawa ng paraan para maibalik sa listahan ng UNESCO World of Heritage Sites ang Banawe Rice Terraces. Isa sila sa mga tunay na sumusuporta sa sariling atin na ang sabi ko nga kanina ay to the highest level. Dahil jan, they deserve a to the highest level of entertainment. Ang venue, ay ang highest level ng hagdang hagdang palayan kung saan naghihintay ang apat na igorot habang kumakanta este nirarap ang Three Stars and A Son by Elmo Magalona. Bayani rin kayow. AYUN. 1point para sa kanila.
Hay, hero, mejo mahirap maghanap ng mga kagaya nila ah. Siguro dapat ang required characteristics nila ay mas mabait, mas matino, mas matulungin at mas maunawain. Naku, mas lalong mahirap maghanap nun. HIndi lang yun basta hero, kundi SUPERHERO. Kumusta na kaya si Mang Tolits. Sana may SUPERHERO na nakapagligtas sa kanya.
Sige na nga, tapusin natin ito sa isang superpowerful question – nasaan si Aki?

Advertisements

Diskusyon

Walang puna.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: